TSLogo

 

 

facebook page

 

Brgy. Tungkong Mangga, Brgy. Balatong A at Brgy. Catanghalan, Itinanghal bilang Outstanding Lupong Tagapamayapa sa Lalawigan

Marso 18, 2025 | Idinaos ngayong araw ng DILG Bulacan sa pangunguna ni PD Myrvi Fabia kasama ang mga miyembro ng Bulacan PAC ang Pangwakas na Balidasyon para sa Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) CY 2025. Itinanghal bilang best lupon sa lalawigan at magiging kalahok sa regional level ng LTIA ang Brgy. Tungkong Mangga, CSJDM para sa Component City Category ang Brgy. Balatong A, Pulilan para sa 1st Class Municipalities Category, at Brgy. Catanghalan, Obando para sa 2nd Class Municipalities Category.

Kasabay nito inilatag din ng Bulacan Provincial Awards Committee (PAC) ang mga susunod na hakbangin na isasagawa ng mga kinatawan upang mas mapalakas pa ang kakayahan ng mga lupon sa paghawak ng mga kaso ng Katarungang Pambarangay (KP).

Ang Bulacan PAC ay binubuo ng Provincial Government of Bulacan, Regional Trial Court (RTC), Office of the Provincial Prosecutor (OPP), Philippine National Police (PNP), Liga ng mga Barangay (LnB) - Bulacan Chapter, at Auxiliary Cadence Church Chaplaincy Philippines Inc. (ACCPI).

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) ay itinatag alinsunod sa Seksyon 406 (b) ng LGC ng 1991 kung saan ay binibigyan ng insentibo ang mga mahusay na Lupong Tagapamayapa (LT) para sa kanilang mga natatanging kontribusyon at pagganap sa implementasyon ng KP.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video