Opisyal na inilunsad ngayong ika-19 ng Agosto, taong kasalukuyan, ang Paleng-QR sa Bayan ng Santa Maria. Ang pagpapatupad ng programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Pinangunahan ang naturang aktibidad nina Punong Bayan Bartolome Ramos katuwang si Market Master Elvis Luciano mula sa BSP. Sa kabilang banda ay nakiisa sa gawain sina LGOO VI Dante Boac at LGOO VI Jayfie Nasarro mula sa DILG Bulacan, at mga kinatawan mula sa DTI, TODA at mga nagtitinda sa merkado.
Layunin ng programang ito na isulong ang pagtanggap ng digital na pamamaraan ng pagbabayad sa mga palengke at pampublikong sasakyan upang mas mapabilis ang transaksyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili.