TSLogo

 

 

facebook page

 
Sa patuloy na pagtataguyod ng kaligtasang pangkalusugan at kalinisan sa mga komunidad, namayani ang pagkakaisa ng mga ahensya, pamahalaang lokal, at mga residente ng nasabing barangay ngayong araw, ika-13 ng Hulyo, 2024 sa isinagawang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas program, kung saan ay itinampok ang Brgy. Balasing, Bayan ng Santa Maria bilang national showcase barangay mula sa lalawigan. Maliban sa isinagawang malawakang paglilinis, itinampok rin ng naturang barangay ang kanilang proyektong Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) na isa sa paraan upang hikayatin ang mga residente na magkaroon ng kanilang mga taniman sa sariling mga bakuran. Sa kabilang banda ay ipinahayag naman nila Mayor Bartolome Ramos, Vice Mayor Pablo Juan at Congressman Salvador Pleyto ang suporta ng bayan sa implementasyon ng mga proyekto at programa ng pamahalaan. Ang Brgy. Balasing ay ang ikatlong barangay sa lalawigan na naitampok bilang showcase barangay sa KALINISAN program ng pamahalaan. Pinangunahan naman nila Asec. Elizabeth Lopez De Leon, DILG Assistant Secretary for Community Participation ang pagbigkas ng pledge of commitment ng lahat ng nakiisa sa nasabing gawain. Kasama rin sa aktibidad sina RD Anthony Nuyda, ARD Jay Timbreza, PD Myrvi Apostol Fabia, Punong Barangay Quirino Lapig, kasama rin ang mga kinatawan mula sa ibang ahensya tulad ng PNP, BFP, BJMP, CSOs, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at mga residente ng naturang barangay.
PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video