TSLogo

 

 

facebook page

 


MAYO 20, 2024 - Muling nagsama-sama ang mga kawani ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, para sa ikalimang DILG KONEK: Ang Panlalawigang Pagpupulong na ginanap sa Pandi, Bulacan.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga detalye at paghahanda para sa mas maayos at mas komprehensibong pagtatasa ng mga lokal na pamahalaan para sa Good Local Governance (SGLG) at Seal Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2024. Kasabay din sa nasabing pagpupulong ang pag-uulat tungkol sa estado ng pagsunod at ilang mga paalala para sa mga kinakailangang pagsunod ng mga lokal na pamahalaan.

Naging parte din ng pagpupulong ang pagbabahagi ng mahuhusay na pamamaraan o “best practices” ng Pandi pagdating sa pagtalima at implementasyon ng mga programa. Nagpasalamat si Punong Bayan, Enrico A. Roque sa tulong at suporta na natatangap ng lokal na pamahalaan mula sa departamento at nangakong ipagpapatuloy na gagampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin bilang lingkod bayan.

Dumalo rin sa gawaing ito ang Pangrehiyong Patnugot, Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III, na nagpakita ng kanyang kagalakan sa mahusay na pagganap sa tungkulin ng DILG Bulacan. Kanya ring pinasalamatan ang kontribusyon ng bawat kawani sa mabilis at mahusay na implementasyon ng mga programa ng Kagawaran.

Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng Panrehiyong Tanggapan sa mga gawain ng DILG Bulacan.

Ang DILG KONEK ay isang plataporma na naglalayong mailapit ang opisina sa mga lokal na pamahalaan.

Maliban sa pagpupulong, ito din ay magandang pagkakataon para mapalakas ang koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng departamento at mga lokal na pamahalaan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video