TSLogo

 

 

facebook page

 

Oktubre 24, 2023 - Matagumpay na isinagawa ang pagpapamalas ng angking husay at galing sa paglilingkod bayan ng pamahalaang lokal ng Doña Remedios Trinidad at mga City/Municipal Local Government Operations Officers (C/MLGOOs) ng Bulacan.

Kaisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Lokal na Pamahalaan ngayong Oktubre, kinilala ang mga katangi-tanging programa at serbisyo ng bayan ng DRT sa pangunguna nina Punong Bayan Ronaldo T. Flores at Pangalawang Punong Bayan Marita L. Flores. Ipinagmalaki ang mga pagbabagong naranasan ng mga DRTeño buhat ng mga programa sa agrikultura, kabuhayan, edukasyon, imprastraktura at iba pang mga serbisyong naglalayon na mas maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan.


Kinilala rin ang husay ng mga sumusunod na mga Panlungsod at Pambayang Tagapagkilos ng Pamahalaang Lokal para sa nagdaang ikatlong sangkapat ng taon. Sila ay ang mga sumusunod:
1. LGOO VI Myrna P. Reyes (Lungsod ng Baliwag)
2. LGOO VI Benedict M. Pangan at EA III Janet A. Florendo (Lungsod ng San Jose Del Monte)
3. LGOO VI Maria Christine M. De Leon (Bayan ng Doña Remedios Trinidad)
4. LGOO VI Lolita T. Silva (Bayan ng Pandi)
5. LGOO VI Elaine D. Pagdanganan (Bayan ng Marilao)
6. LGOO VI Benjamin M. Lastrollo at ADA IV Morris Jorge C. Roque (Lungsod ng Meycauayan)
7. LGOO VI Maria Isabelita B. Cruz (Bayan ng Pulilan)
8. LGOO VI Mary Joy V. Nabor - Bayan ng Plaridel
9. LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo at LGOO II Apollo P. De Leon (Bayan ng San Miguel)
10. LGOO VI Marilyn C. Ochoa (Bayan ng Paombong)


Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V na ipagpatuloy ang mga mahuhusay na pagganap sa tungkulin ng bawat kawani ng DILG sa pamamagitan nang ibayong paghahanda para sa mga paparating pang hamon at walang sawang pag-alalay sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video