Print 

BASAHIN | Kaugnay ng Republic Act No. 11032 o kilala bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018”, isinagawa simula ika-18 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2023, ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ang pagtatasa para sa Ease of Doing Business (EODB) sa mga lungsod ng lalawigan.

Kabilang sa mga sumailalim sa naturang pagtatasa ay:
(1) Lungsod ng San Jose Del Monte;
(2) Lungsod ng Meycauayan; at
(3) Lungsod ng Malolos


Kabilang sa layunin ng pagsasagawa sa aktibidad na ito ay ang masukat ang antas ng pagganap ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang pagtalima sa batas at polisiya na kaugnay ng EODB Law at mas mapaigi o mapabilis ang mga transaksyon at sistema sa ating pamahalaan. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Kagawaran na mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mabilis na proseso ng mga clearances at permits kasabay nang pagkakaroon ng mas maraming oportunidad at trabaho tungo sa pag-unlad ng ating bansa at ng bawat Pilipino.