TSLogo

 

 

facebook page

 

SETYEMBRE 07, 2023 | Alinsunod sa Memorandum Blg. 006, S. of 2023 ng Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna o National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilahok ngayong araw ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal para sa ikatlong kwarter ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Ang aktibidad na ito ay isang makabuluhang hakbangin upang maihanda ang bawat kawani sa kanilang preparasyon at kaligtasan sa posibleng panganib at sakuna na dulot ng lindol. Kabilang sa mga hakbangin na naisalaysay sa gawaing ito ay ang pagsasagawa ng “duck, cover and hold” bilang ligtas at tamang paraan sa pagtugon sa panahon ng lindol.

Sa kasalukuyan, ang lindol ay isang sakuna na hindi matitiyak kung saan at kailan ito eksaktong tatama, kaya mahalaga na ang bawat isa ay mayroong sapat na kaalaman at kamalayan sa mga hakbangin na pangkaligtasan at kahandaan tuwing panahon ng krisis at kalamidad.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video