TSLogo

 

 

facebook page

 

LUNGSOD NG MALOLOS – 39 na maliliit at lokal na mga mangangalakal ang nakilahok sa programang Kadiwa ng Pangulo, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, 2023 na inilunsad sa Lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando at Pangalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, sa pakikipagtulungan ng mga Panlalawigang Tanggapan ng mga ahensya ng Pamahalaan kabilang na ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, NFA, DTI, DOLE, at DSWD.

Samantala, sa kabila ng maulan na panahon, dinayo ng tinatayang humigit-kumulang 3 libong tao ang nasabing pamilihan na dahilan upang agarang maubos ang mga panindang dala ng mga lumahok na negosyante. Sa huli, masasabi na naging matagumpay ang paglulunsad ng programang Kadiwa ng Pangulo na layong maghatid ng murang mga bilihin sa mga bulakenyo, gayundin ay mabigyan ang mga maliliit na mangangalakal, magsasaka, at mangingisda ng lugar na paglalagakan ng kanilang mga produkto na walang binabayarang upa at masiguro ang pagkakaroon nila ng karagdagang kita.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video