Hunyo 8, 2023 - nagsagawa ang DILG Bulacan ng isang pagpupulong na layong masiguro na ang mga datos at estado ng proyekto na naisumite sa Panlalawigang Tanggapan ay katulad sa aktuwal at pisikal na kalalagayan ng mga ito.

Kasabay ng gawain, nagbigay rin ng teknikal na gabay ang DILG Bulacan sa pamamagitan ng Locally Funded Project Team, sa ilalim ng pagsubaybay ni LGOO VII Judith B. Romero. Dito nagkaroon ng diskurso ukol sa proseso at estado ng mga proyektong isinumite upang mabigyang pondo ng Kagawaran. Gayundin, tinalakay rin ang estado ng ilan pang mga proyekto na sa kasulukuyan ay patuloy pa rin ang implementasyon.


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ipinahayag niya ang kaniyang pasasalamat, gayundin ang suporta ng Departamento upang maisakatuparan ang mga makabuluhang proyekto na nilalayong maiangat ang antas ng kabuhayan at maghatid ng kaginhawahan sa mga mamamayan ng Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video