TSLogo

 

 

facebook page

 

LUNGSOD NG MALOLOS - Noong ika-8 ng Hunyo, 2023, isinagawa ang ikalawang sangkapat na pinag-isang pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), at Provincial Task Force-Ending Local Communist sa lalawigan ng Bulacan. Dito nagkaroon ng talakayan ukol sa mga programa, proyekto at gawain ng bawat ahensya at sangay ng Pamahalaan na kabilang sa nasabing konseho.

Mula sa PDEA, tinalakay ang bilang ng mga barangay na kasalukuyan ay na-deklara na bilang drug-cleared, kasama na ang estado ng iba pang aplikasyon ukol rito. Samantala, ibinahagi naman ng PNP ang pangkalahatang sitwasyong pangkapayapaan at pangkaayusan sa Bulacan, gayundin ang ginawa ng Hukbong Katihan (AFP) kung saan sumentro naman ang diskusyon sa pangloob na seguridad at mga programa na layong wakasan ang insurhensiya. Ilan pa sa mga natalakay ay ang sitwasyon ng mga kulungan at pasilidad sa lalawigan na ibinahagi ng BJMP gayundin, ang bilang ng mga nasunugan at ilang paalala naman ang hatid ng BFP.


Samantala, sumentro rin ang talakayan sa mga resulta ng kamakailan lamang ay naisagawang mga pagtatasa ukol sa LCCAT-VAWC, ADAC, POC at LCPC, ito ay tinalakay ni LGOO V Gerald Cabarles, mula sa DILG. Samantala, sumentro naman ang mensahe ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V sa pasasalamat sa bawat representasyon na naging bahagi ng sa kasalukuyan ay nakikita nang kahandaan ng mga konseho na isinailalim sa pagtatasa, aniya ang resultang ito ay bunga ng pinagsama-samang pagkilos mula sa mga Pamahalaang Lokal kasama na ang mga kabahaging ahensya at tanggapan ng Pamahalaan.


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Igg. Daniel R. Fernando, Punong Lalawigan. Kaniyang ihinayag ang kaniyang suporta at pasasalamat sa mga kasapi ng PPOC, aniya "Patuloy tayong magtulungan para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa lalawigan. Mananatili ang mataas na suporta ko sa lahat ng kabahaging ahensya sa adhikain nating ito".

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video