Print 

Noong ika-29 hanggang 31 ng Mayo, 2023 ay nagbigay ng teknikal na gabay ang Punong Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Angat para sa wastong pagbalangkas ng kanilang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP).

Sa mensahe ni Igg. Reynante S. Bautista, Punong Bayan ng Angat, kanyang binigyang diin ang pagbibigay prayoridad ng Pamahalaang Bayan sa mga programa sa ilalim ng kanilang MWSSMP, dagdag pa niya, kinakailangan rin na ito ay maipaloob o maiangkla sa kanilang Comprehensive Development Plan (CDP), upang matiyak na ang mga ito ay maisasakatuparan.
Ang Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan o MWSSMP ay ang nagsisilbing balangkas ng programa, proyekto at gawain ng mga Lokal na Pamahalaan na may kinalaman sa pagpapanatili ng malinis na suplay ng tubig at sanitasyon.