TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa ikalawang episode ng ALAGWA Bulacan – Gabay Serye, pinangunahan ng DILG Bulacan ang paghahanda ng mga Bulakenyo sa parating na tagtuyot o El niño. Ang nasabing programa na umere ngayong araw ika-29 ng Mayo, 2023 ay naitampok sa pamamagitan ng The Roving Radio Station at naibahagi rin sa pamamagitan ng dalawa pang magkaibang media platforms.

Layon ng nasabing gawain na talakayin kung ano ang El Niño at mga posibleng epekto nito sa lalawigan ng Bulacan. Naibahagi rin ang mga epektibong hakbangin upang maging ang mga ordinaryong mamamayan ay maging kabahagi ng nasabing adbokasiya. Ang diskusyon ay pinangunahan ng mga Panauhing Tagapagsalita na sina G. Lowell D. Rebillaco mula sa Kagawaran ng Agrikultura ng Gitnang Luzon at G. Edmundo P. Antenor mula sa Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan.
Ang DILG Bulacan ay patuloy sa adbokasiya na makapagbigay ng napapanahong impormasyon at kaalaman para sa ating mga kababayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

DOST-PAGASA Weather Update

 


Featured Video