- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 385
Sa gabay ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ginanap ang pangrehiyonal at panlalawigan sabayang eleksyon ng National Movement of Young Legislators League (NMYL) ngayong ika-13 ng Agosto 2025 sa Clark, Pampanga.
Ang eleksyon ay pagtalima sa Artikulo X, Seksyon 2 ng Konstitusyon at By-Laws ng naturang samahan. Isinagawa ang aktibidad hindi lamang para iboto ang mga panibagong opisyal, ngunit upang mabigyan ng angkop na kasanayan at kaalaman ang mga batang mambabatas kaugnay sa pagganap ng kanilang mga tungkulin sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.


















