TSLogo

 

 

facebook page

 

Lungsod ng Malolos | Sa isang makabuluhang araw ngayong ika-13 ng Setyembre, 2025 ay ipinagdiwang ang kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamamagitan ng paghahatid ng programa sa mga mamamayan, ang Handog ng Pangulo: Serbisyong Tapat para sa Lahat na sabayang isinagawa sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Pinangunahan ni Vice Mayor Marita L. Flores, kasama si Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang pasinaya ng bagong Rescue Vehicle ng bayan ng Doña Remedios Trinidad. Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala at patuloy na paghahatid ng de-kalidad na serbisyong publiko.

Pinasinayaan ngayong araw ang bagong Service Vehicle sa pangunguna nina DILG Regional Director Araceli A. San Jose, CESO III, at Mayor Jocell-Aimee Vistan-Casaje. Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) bilang bunga ng ika-8 sunod na pagkakapanalo ng Plaridel sa Seal of Good Local Governance (SGLG) — patunay ng patuloy nitong kahusayan sa pamamahala.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video