TINGNAN : Ngayong araw, isinagawa ng DILG Bulacan ang pagsusuri sa Bayan ng Balagtas para sa proyektong “Construction of Water Sanitation and Hygiene (WaSH) - Public Toilets” sa ilalim ng FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), bilang insentibo sa pagkakapasa ng bayan sa Seal of Good Local Governance (SGLG).
Layunin ng proyekto na magtayo ng malinis, maayos, at ligtas na pampublikong palikuran na magsisilbing mahalagang pasilidad para sa kalinisan at kalusugan ng mga mamamayan.