TSLogo

 

 

facebook page

 

Mas Matatag at Tumutugon na Lokal na Pagpaplano, Layunin ng DILG Bulacan sa isinagawang Pagsasanay sa Community Based Monitoring System (CBMS) Module 3B

Matagumpay na naisagawa ng DILG Bulacan ang Community-Based Monitoring System (CBMS) Module 3B: Uses and Applications of CBMS Data in the Comprehensive Development Plan (CDP) simula ika-28 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2025 sa Subic Bay Freeport Zone, Zambales. Layunin ng tatlong-araw na gawain na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng CBMS-generated data para sa komprehensibong pagbalangkas at pagrepaso ng kanilang Comprehensive Development Plan (CDP).

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan, workshops, at presentasyon ng mga output, higit na naunawaan ng mga kalahok kung paano magagamit ang CBMS data bilang pundasyon ng mga epektibo at tumutugong programa at proyekto para sa kaunlaran ng kanilang mga nasasakupan.

Nagtapos ang pagsasanay sa isang makahulugang mensahe mula kay Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, na nagbigay-diin sa patuloy na pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan tungo sa data-driven governance at sa pagtiyak na ang mga lokal na plano ay tunay na nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga CBMS Focal Person, mga Local Planning and Development Coordinators (LPDCs), mga City/Municipal Administrators, at mga City/Municipal Local Government Operations Officers (C/MLGOOs).

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video