Oktubre 20, 2025 | Mula sa patuloy na layunin ng DILG Bulacan sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng nga kawani at pamahalaang lokal, matagumpay na naisagawa ng tanggapan ang ika-10 DILG KONEK: The Provincial Team Conference sa Bayan ng Hagonoy, Bulacan.
Sa nasabing gawain, binigyang-pugay ang mga tagumpay ng tanggapan sa nakalipas na sangkapat ng taon, kabilang na ang mga accomplishments at pagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa mga pagtatasa at ulat na nagpapatibay sa mahusay na pamamahala. Binigyang pasasalamat din ang bawat kawani sa kanilang dedikasyon sa patuloy na pagsusumikap at kahusayan sa serbisyo publiko.
Sa naturang pagpupulong, malugod ding tinanggap ng Punong Bayan, Mayor Charo Sy-Alvarado, ang lahat ng kawani ng DILG Bulacan. Sa kanyang mensahe, ipinakita niya ang kanyang suporta at kahalagahan ng pagbabahagi ng mga lokal na pamahalaan ng kanilang mga best practices upang makatulong sa pagpapaunlad ng ibang mga bayan.