TSLogo

 

 

facebook page

 

Pagpapalago ng Kalusugang Pangkaisipan, Tema ng Unang DILG Konek

Ika-31 ng Enero 2025, matagumpay na isinagawa ang pinakaunang DILG KONEK: Ang Panlalawigang Pagpupulong ng DILG Bulacan sa bayan ng Plaridel.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga programang ipatutupad ng Kagawaran sa mga susunod na buwan, gayundin ang estado ng pagsunod ng mga lokal na pamahalaan sa mga ulat ng DILG. Nagbigay rin ng mahahalagang direktiba ang Panlalawigang Patnugot, Myrvi Apostol-Fabia, kaugnay ng mga nalalapit na pagtatasa at iba pang pangangailangan ng mga pamahalaang lokal.

Bukod dito, itinampok din sa kumperensiya ang isang aktibidad na nakatuon sa pagpapalago ng kalusugang pangkaisipan. Layon nitong bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unawa sa sarili para magampanan ng maayos ang tungkulin at mapalago ang kakayahan tungo sa mas maayos na kalidad ng buhay para sa mga kawani.

 

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video