TSLogo

 

 

facebook page

 


Ika-09 ng Setyembre, 2024, sa kauna-unahang pagkakataon, sa pangunguna ng Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, nakilahok ang DILG Bulacan sa Parada ng mga Karosa sa pagbubukas ng Singkaban Festival na may temang “Pagyakap sa Kasaysayan, Pagsulong sa Kinabukasan.”


Ang karosa ng Kagawaran ay nakaugat sa kasaysayan ng pandarayuhan sa Pilipinas na lulan ng mga malalaking bangkang tinatawag na ‘balangay’ na dinala ng mga ninunong Malayo upang magtatag ng mga pamayanan sa bansa na kalaunan ay tinawag na ‘barangay’. Ito ay naglalarawan ng isang buhay na balangay na simbolo ng paglalakbay at pagkakaisa ng mga unang Pilipino. Idinisenyo ang karosa ng Kagawaran upang ipakita ang isang makulay at detalyadong representasyon ng balangay, na sumasagisag sa lakas, kultura, at kasaysayan ng bayan.


Ang paglalayag ng balangay ay kumakatawan sa pagbuo at pagsuporta ng Kagawaran sa mga lokal na pamahalaan sa Bulacan, na ang layunin ay magbigay ng Matino, Mahusay, at Maaasahang serbisyo publiko, na gaya ng layag ng isang bangka, ito ay nagbibigay pwersa sa pag-unlad at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa bansa tungo sa isang progresibo at maunlad na lalawigan at bansa.

 


Featured Video