Kasabay ng isinagawang Buwanang Pagpupulong ng DILG Bulacan noong ika-22 ng Mayo, 2023, sa Bayan ng Balagtas, Bulacan ay nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga kawani ng nasabing tanggapan na magkaroon ng konsultasyon at pakikipanayam sa mga Assistant Secretaries ng Kagawaran na sina ASec. Lilian M. De Leon, Assistant Secretary for International Affairs at ASec. Elizabeth N. Lopez De Leon, Assistant Secretary for Community Participation. Layon ng pagbisita ng dalawang opisyal na mas mapalakas ang ugnayan ng Punong Tanggapan sa mga Pampook na Tanggapan nito upang masiguro ang mabilis at epektibong implementasyon ng mga programa, proyekto at gawain ng Departamento sa Lalawigan ng Bulacan.

Samantala, nagpaunlak rin ang Pamahalaang Bayan ng Balagtas upang maitampok ang mga natatanging pangkalikasang programa, proyekto at gawain nito na ibinahagi naman ng kanilang MENRO at ni Punong Bayan, Igg. Eladio E. Gonzales, Jr.  Sa huli, hiningi ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang pakikiisa ng lahat upang mas palawigin pa ang pagsusulong ng mga adbokasiya ng Kagawaran at palakasin ang implementasyon ng mga programa ng tanggapan na layong magsulong ng mabuting pamamahalang lokal.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video