Print 

NORZAGARAY, BULACAN – Ngayong araw, ika-7 ng Pebrero, 2023, dumalo ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa buwanang pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMO Inc., na binubuo ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (LDRRMOs) ng Bulacan, upang ibahagi ang naging resulta ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) indicators sa ilalim ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) at Governance Assessment Report (GAR).

Ito ay ibinahagi ng kinatawan ng Panlalawigang Tanggapan, sa katauhan ni LGOO III Alyssa May Topico. Parte ng kanyang diskurso ay ang ilang mga paalala at tagubilin bilang paghahanda sa SGLG na muling isasagawa sa taong ito. Ang hakbanging ito ay bahagi ng pagnanais ng Panlalawigang Tanggapan na mas maparami pa ang bilang ng mga Pamahalaang Lokal sa Bulacan na papasa at magkakamit ng Seal of Good Local Governance.