Print 

Noong ika- 31 ng Enero, 2023, sa Barangay Camachile Multipurpose Hall ay nagsagawa ang Pambayang Tanggapan ng DILG Doña Remedios Trinidad sa panguguna ni LGOO VI Maria Christine M. De Leon ng isang pagsasanay na dinaluhan ng ilang mga kawani ng mga barangay sa nasabing bayan.

Nilalayon ng nasabing gawain na mabigyan ng angkop na kakayanan ang mga kawani ng barangay upang mas mapaghusay ang dokyumentasyon ng mga proyekto at programa na isinasagawa ng mga pamahalaang barangay. Bahagi ng nasabing gawain ay ang mabigyan ng kaalaman ang mga dumalo sa mga teknikalidad sa pagkuha ng larawan na kanilang magagamit sa paggawa ng mga dokumento na ibinahagi ni LGOO II Llhoyd Parungao, kinatawan Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran sa Bulacan.

Ang ganitong mga gawain ay napapanahon upang bigyang-daan na mas mapaunlad ang kaalaman ng mga pamahalaang lokal pagdating sa makabagong teknolohiya at upang ang kanilang pamamahala ay makasabay sa nagbabagong panahon.