TSLogo

 

 

facebook page

 

 

Nakipagpulong si PD Myrvi Apostol-Fabia sa Liga ng mga Barangay Meycauayan Chapter sa pangunguna ni PB Carlito O. Magno ngayong araw upang talakayin ang mga programa ng Departamento tulad ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB), Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), , BDRRMC, Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program, Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at iba pang mga programa para sa mga barangay.


HULYO 30, 2024 | Isinagawa ng Panlalawigang Tanggapan ang ika-pitong DILG Konek: Provincial Team Conference sa Bayan ng San Miguel, Bulacan. Bilang pakiisa ng Tanggapan sa National Disaster Resiliency Month ay tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pamahalaang lokal kaugnay ng nagdaang bagyo Carina at ang mga hakbangin na kinakailangang gawin ng mga kawani upang mas mapaghandaan ang pagdating ng anumang sakuna o kalamidad. Ipinrisenta rin ang mga ulat, proyekto at programa na nangagailangan ng pagtalima sa mga susunod na buwan. Kabilang sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta ay sina Punong Bayan Roderick Tiongson, Ikalawang Punong Bayan John Alvarez, at ilang pinuno ng tanggapan ng San Miguel.


Naging parte rin ng pagpupulong ay ang pagpresinta sa mas pinahusay na sistema ng E-LGRC ng tanggapan ang ALAGWA 2.0, kung saan ay mas maitataas nito ang partisipasyon ng mga miyembro ng MSAC. Sa kabilang banda ay ibinahagi naman ni OIC Program Manager, LGOO V Gerald Cabarles, Jr. ang mga naging pagtatagumpay na naisagawa ng Tanggapan sa unang semestre at ang mga nakatalagang mga targets para sa ikalawang semestre ngayong taon.


Sa direksyong tatahakin sa mga susunod na buwan, ibinahagi ni PD Myrvi Fabia ang ibayong kahandaan para sa mga sakunang paparating sa bawat komunidad. Gamitin ang mga natutunan sa mga kwento ng pagbaha at pagbangon na sa pamamagitan ng DILG ay magabayan ang mga pamahalaang lokal na maging handa at listo sa anumang sakuna. Sa huli ay kaniyang iniwan ang mensahe na kung ang bawat kawani ay maglilingkod ng buong puso ay hinding-hindi ito maliligaw, dahil ang sinseridad ay siyang magiging gabay tungo sa wastong landas ng serbisyong publiko.

DILG Bulacan participated in the Magna Carta of the Poor - Local Poverty Reduction Action Plan Orientation Seminar held today, July 29, 2024, in Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.


Ngayong araw, ika-27 ng Hulyo, 2024, ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Situational Briefing kaugnay sa pinsalang dulot ng Bagyong Carina at Hanging Habagat sa mga lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga na ginanap sa Bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan, Lungsod ng Malolos, Bulacan.


Sentro ng talakayan ang mga hakbangin ng pamahalaan upang matugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhan sa Gitnang Luzon. Ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa larangan ng agrikultura at sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ng pagbaha. Direktiba rin ng pangulo ang agarang aksyon upang mabawasan ang epekto ng oil spill sa Bataan sa katubigan ng Bulacan at Pampanga.


Buong pwersa ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Gob. Dennis Pineda ng Pampanga, at Gob. Joet Garcia ng Bataan, at mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Nasyunal para sa mabilis na pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.

Ang mga larawan na ito ay patunay na ang pagkakaisa ng ating mga lokal na opisyal at mga mamamayan ay patuloy na namamayani sa puso ng bawat Bulakenyo. Sa ating pagtutulungan, sama-sama tayong babangon muli. 

 

Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the COPYRIGHT of the pictures herein posted. Credit to the rightful owner.

Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang PDRRMC emergency meeting ngayong araw, ika-25 ng Hulyo, 2024. Sa nasabing pagpupulong ay nagkaroon ng initial assessment ang konseho sa mga pinsalang natamo ng lalawigan dulot ng bagyong Carina at hanging habagat. Batay sa isinagawang  masusing pagsusuri ay inirekomenda ng buong konseho ang pagdeklara ng State of Calamity sa lalawigan ng Bulacan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video