- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 7262
Ika-17 ng Abril, 2023 - Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU), kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad na naglalayong patatagin ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang opisina.
Read more: PAGLALAGDA NG KASUNDUAN SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANGLUNSOD NG MALOLOS AT DILG BULACAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 8236
Ngayong araw ika-4 ng Abril, 2023 ay nagsagawa ang Panglalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang oryentasyon para sa mga kasapi ng Provincial Awards Committee na pinangungunahan ng nasabing tanggapan at kinabibilangan ng mga sumusunod: Philippine National Police (PNP), Liga ng mga Barangay (LNB), Pamahalaang Panlalawigan, Regional Trial Court at Civil Society Organization.
Ang gawaing ito ay upang talakayin ang mas pinalawig na mga pamantayan ng pagtatasa ukol sa Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at upang bigyan ng wastong kasanayan ang mga kinatawan ng mga nabanggit na tanggapan sa isasagawang pagtatasa.
Sa mensahe ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, kaniyang ipinaliwanag na ang LTIA ay isang pagtatasa na hindi lamang naglalayon na itukoy sa mas mataas na antas ng paligsahan at bigyang parangal ang mga kikilalaning Lupong Tagapamayapa; bagkus ito rin ay upang mapalakas ang pagpapatupad ng Katarungan Pambarangay bilang isang pangunahing mekanismo upang mas mapabilis ang pag-resolba ng mga problema at sigalot ng magkaka-barangay.
TIGNAN: Ang mga larawang ito ay kuha sa pagbisita ni FSupt. Jeannette D. Jusayan, bagong talagang Fire Marshal ng Bulacan sa Tanggpan ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V. Ang nasabing pagbisita ay bilang bahagi ng patuloy na ugnayan ng dalawang tanggapan tungo sa maayos at epektibong pagsusulong ng mga programa, proyeto at gawain na pinangungunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 6991
March 29, 2023 –DILG Bulacan capped off the celebration of the National Women’s Month by conducting an activity aimed to honor the empowered women of the Department.
Stress management seminar, zumba dancing, make up tutorial, and wellness services such as manicure, pedicure, massage and foot spa were among the activities offered during the said special day. Finally, Himig Bulacan members serenaded the female employees and gifted them flowers signifying their admiration to the latter's ability to juggle multiple hats while efficiently and successfully managing their daily responsibilities.
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 8573
BAYAN NG SAN RAFAEL - Noong ika-14 ng Pebrero, 2023, sa pangunguna ni LGOO VI Diana Jean Garcia ay nagsagawa ang Pambayang Tanggapan ng Kagawaran ng isang pagsasanay para sa mga kawani at opisyal ng mga barangay sa nasabing bayan.
Read more: PAGSASANAY SA MGA BARANGAY, PINANGUNAHAN NG DILG,SAN RAFAEL,BULACAN
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 8143
NORZAGARAY, BULACAN – Ngayong araw, ika-7 ng Pebrero, 2023, dumalo ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa buwanang pagpupulong ng Bulacan Council of DRRMO Inc., na binubuo ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (LDRRMOs) ng Bulacan, upang ibahagi ang naging resulta ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) indicators sa ilalim ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) at Governance Assessment Report (GAR).
Read more: LDRRGMOs NG BULACAN KAAGAPAY SA PAGKAMIT NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE
- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 7865
LUNGSOD NG MALOLOS - Ngayong araw, ika-6 ng Pebrero, 2023, sa inisyatibo ng Provincial Peace and Order Council, ay nagsagawa ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Bulacan ng isang Panlalawigang re-oryentasyon ukol sa Peace and Order Public Safety Plan Policy Compliance System (POPSP-PCMS).
Read more: LGUs SA BULACAN BINIGYAN NG RE-ORYENTASYON SA POPSP-PCMS