Sa pangunguna ng DILG Bulacan at pakikipagtulungan ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) at The Roving Radio Station ng Lungsod ng Malolos ay matagumpay na naibahagi ang ikatlong episode ng Gabay Serye, ngayong araw, ika-28 ng Setyembre, 2023.

Ang diskusyon ay pinangunahan ng Panauhing Tagapagsalita na si Abgdo. Julio Nicanor C. Guinto, Election Officer IV mula sa Komisyon sa Halalan ng Lungsod ng Malolos kung saan ay naibahagi ang kanyang kaalaman kaugnay ng mga legal na batayan at resolusyon ukol sa mga proseso at mahahalagang impormasyon upang maitaas ang antas ng kaalaman ng mga botante at kandidato para sa nalalapit na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).


Ang Gabay Serye ay isa sa mga pasilidad sa ilalim ng Local Government Resource Center na naglalayong maghatid ng gabay at impormasyon sa mga mamamayan ukol sa mga tampok na paksa upang mabigyan ang publiko ng mas malalim at masusing pang-unawa sa mga napapanahong isyu at usapin sa lipunan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video