337375014_1438231600322051_1410331097459001249_n.jpg 

 

Ngayong araw ika-30 ng Marso, 2023 ay nagbigay ng teknikal na bagay ang DILG Bulacan sa mga Barangay ng Pandi, Bulacan ukol sa Operation Listo. Ang nasabing programa ay isa sa mga adbokasiya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal na naglalayon na ituro sa mga Pamahalaang Lokal at maging sa mga mamamayan ang mga hakbangin at mga paghahanda na kailangang isagawa upang maging ligtas sa panahon ng kalamidad o sakuna.

Sa diwang ito, ang DILG Bulacan ay kaagapay ng mga Pamahalaang Lokal upang masiguro na ang mga Bulakenyo ay handa at ang mga barangay sa lalawigan ay maging mga L!stong Pamayanan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video