Mga Barangay, Binigyan ng Pagkilala sa Gawad Galing Barangay (GGB) 2025
Ginanap nitong ika-18 ng Nobyembre, 2025 ang pagbigay ng pagkilala sa mga natatanging barangay ng Bulacan sa isinagawang Gawad Galing Barangay (GGB) 2025. Panauhing Pandangal si DILG RD Araceli A. San Jose, CESO III, bilang kinatawan ni Undersecretary Marlo L. Iringan.
Binigyang pagkilala sa GGB ang mga natatanging opisyal ng mga Barangay na nagpamalas ng husay at dedikasyon sa pagganap ng kanilang tungkulin:
✨ Natatanging Punong Barangay: Esperanza S. Garcia - Bulihan, Plaridel
✨ Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon: Juanita O. Delos Reyes - Camalig, City of Meycauayan
✨ Natatanging Mother Leader: Riza S. Espiritu - San Roque, Angat
✨ Natatanging Barangay Health Worksee: Maricel D. Alejandro - Banaban, Angat
✨ Natatanging Barangay Training Employment Coordinator: Shynie D. Delos Santos - San Vicente, Sta. Maria
✨ Natatanging Barangay Tanod: Roderick B. Cruz - Bigte, Norzagaray
✨ Volunteer Group: Kabalikat Civicom Association Incorporated-Santa Maria Chapter (Pulong Buhangin, Sta. Maria)
✨ Natatanging Ingat-Yaman: Joselito C. Cruz - Tabon, Pulilan
✨ Natatanging Kalihim: Jessie P. Gata - Balatong-A, Pulilan
✨ Natatanging Kagawad: Maria Delos Reyes - Lias, Marilao
Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng mahusay na pamamahalang ipinapamalas ng ating mga lingkod-bayan — mga indibidwal na buong puso at walang pagod na naglilingkod sa mga mamamayang Bulakenyo upang matiyak na ang bawat programa, serbisyong pangkomunidad, at inisyatiba at naiaabot sa bawat komunidad.