TSLogo

 

 

facebook page

 

Idinaos ngayong ika-7 ng Agosto, 2023, ang ika-pitong (7) Panlalawigang Pagpupulong kasama ang mga Pampook na Tagapagpakilos ng mga lungsod at bayan sa lalawigan, pati ang mga iba pang kawani ng Kagawaran. Ang pagpupulong na ito ay nagsilbing daan upang talakayin ang mga nagtapos at kasalukuyang isinasagawang mga programa at proyekto ng Kagawaran na nakatakda para sa mga susunod na araw ng buwan ng Agosto.

NGAYON | Binisita ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Operation Center upang tingnan at kamustahin ang kalagayan ng mga Bulakenyo sa mga lungsod at bayan na apektado sa pinsalang hatid ng nakaraang bagyong Egay at Habagat. Kasabay nito ay tiniyak din ang mga paghahanda na isinasagawa ng mga pamahaalang lokal ng lalawigan sa kasalukuyang banta ng bagyong Falcon at patuloy nitong paghatak sa Habagat na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw.

LUNGSOD NG MALOLOS – 39 na maliliit at lokal na mga mangangalakal ang nakilahok sa programang Kadiwa ng Pangulo, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, 2023 na inilunsad sa Lalawigan ng Bulacan. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno nina Punong Lalawigan Daniel R. Fernando at Pangalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, sa pakikipagtulungan ng mga Panlalawigang Tanggapan ng mga ahensya ng Pamahalaan kabilang na ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, NFA, DTI, DOLE, at DSWD.

JULY 26, 2023 | DILG Bulacan convened an orientation on the 2023 Local Legislative Awards (LLA) held via Zoom Online Platform. The said activity was participated in by the Provincial Award Committee, City and Municipal Government Operations Officers (C/MLGOOs) and Local Government Units (LGUs) Focal Persons in the Province.

HULYO 12, 2023 – Nakibahagi ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa Ikalawang Sangkapat na Pagpupulong ng Liga ng mga Barangay sa Lalawigan ng Bulacan. Sa nasabing gawain, nagpaalala ang DILG Bulacan sa mga dumalong Punong Barangay ukol sa mga bagay na may kinalaman sa parating na halalan, kaugnay rin nito nagbigay ng teknikal na gabay si Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ukol sa mga katanungang may kinalaman sa pamamahala sa barangay. Sa huli muli niyang binigyang diin ang patuloy na implimentasyon ng mga programa ng Kagawaran kabilang na ang Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) at Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), aniya inaasahan, ng Kagawaran na sa kabila ng napipintong eleksyon ay patuloy pa rin ang mga halal na opisyal na maglilingkod sa kanilang nasasakupan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video