TSLogo

 

 

facebook page

 


Sa pinag-isang layunin ng DILG Rehiyon III, Bulacan State University (BSU), Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot (PDEA), Panlalawigang Tanggapan ng Kalusugan (PHO), at DILG Bulacan na paigtingin ang laban kontra ilegal na droga, nang ika-22 ng Enero, 2024, ay matagumpay na ginanap ang Buhay Ingatan, Droga Ay Ayawan (BIDA) Symposium sa mga mag-aaral mula sa laboratory high school ng BSU.

Sa naturang aktibidad ay nagbahagi ng kaalaman ang mga ahensya ng Pamahalaan ukol sa BIDA program ng pamahalaan. Bukod sa pagpapalaganap ng nasabing adbokasiya sa mga pamahalaang lokal, ang BIDA Symposium ay isa sa mga hakbangin na isinasagawa ng Kagawaran sa mga paaralan at unibersidad upang magbigay ng mas malawak na kaalaman sa mga kabataan ukol sa pagsugpo ng ilegal na droga.

Ang Bulacan State University ay ang ika-7 unibersidad sa rehiyon na ginanapan ng BIDA Symposium ng DILG Rehiyon III at nakatakda rin itong isagawa sa iba pang mga unibersidad sa Gitnang Luzon.

Ang aktibidad na ito ay sa ilalim ng Wahi, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na Sub-LGRRC ng lalawigan.

 

LUNGSOD NG MALOLOS | Pinangunahan ngayong araw, ika-23 ng Enero, 2024, ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paggunita sa ika-125 taong anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

Kabilang sa mga dumalo sa makasaysayang pagdiriwang na ito ay sina Punong Lalawigan Daniel Fernando, Pangulo ng Senado Juan Miguel Zubiri, House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Kalihim Tagapagpaganap Lucas Bersamin, Tagapangulo ng NHCP Emmanuel F. Calairo, Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Hen. Romeo S. Brawner, Jr., Pangalawang Punong Lalawigan Alex Castro, Punong Lungsod Christian D. Natividad, mga kongresista at mga opisyal ng lalawigan ng Bulacan.


January 17, 2024 - the DILG Bulacan Locally Fund Project (LFP) Team took a proactive step towards ensuring the success of FY 2023 Support to Barangay Development Program (SBDP) projects through site inspection of two significant projects: the "Construction of Two-Storey School Building in Barangay Guinhawa" and the "Construction of Health Station in Barangay San Gabriel."

The Two-Storey School Building in Barangay Guinhawa aims to provide a conducive learning environment for students, fostering educational advancement in the residents of the barangay while the Health Station project seeks to enhance healthcare accessibility and to promote overall well-being of Barangay San Gabriel residents.

The said school building project in Brgy. Guinhawa is expected to cater 4217 beneficiaries and 2012 local residents are about to experience improved access to healthcare in Brgy. San Gabriel.


On January 19, 2024, the DILG Bulacan Locally-Funded Projects (LFP) Team conducted an on-site project inspection under FY 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) entitled "Construction of Balagtas Municipal Park and Recreational Facilities/Plaza Bigaa in Brgy. Borol 1st, Balagtas.

Residents of Balagtas cannot contain their happiness as they expressed their gratitude to the newly developed recreational park in the Municipality, which provides a delightful experience to the residents because of its serene ambiance and becomes a perfect venue for physical activity and socialization. More than a month after completion, these projects not only contribute to the overall well-being and quality of life of its residents but also create an inviting atmosphere for tourists and visitors that significantly boosts the overall local economy of Balagtas.

The SGLGIF is a performance-based incentives award system being given to eligible Local Government Units (LGUs) which passed the Seal of Good Local Governance (SGLG) that can be used for development programs and initiatives to provide high quality service delivery to the public.

???????????????????? ???????????????????? ???????????????????? ???????????????? ???????? ????????????????????????????????, ???????????????????????? ???????? ????????????-???????????????? ???????? ???????????????????????????? ???????? ???????????????????? ????????????????????
Lungsod ng Malolos - Itinampok ng DILG Bulacan sa The Roving Radio Station ngayong araw, ika-17 ng Enero, ang panibagong episode ng Gabay Serye patungkol sa mga mahahalagang hakbangin para sa unang isang daang araw ng panunungkulan sa barangay.

Tinalakay ni LGOO VI Ailyn Bondoc, MLGOO ng Guiguinto, ang mga plano, programa, at mga konseho na dapat buuin sa barangay bilang gabay para sa unang isang daang araw ng Punong Barangay kasama ang mga Sangguniang Barangay Members sa kanilang pagganap at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasakupan nito.

Ang Gabay Serye ay isang inisyatibo ng DILG Bulacan sa ilalim ng Gabay, isa sa mga pasilidad ng ALAGWA Bulacan, ang opisyal na sub-LGRRC ng lalawigan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video