TSLogo

 

 

facebook page

 
Ika-18 ng Hulyo, 2024, isinagawa ng DILG Bulacan LFP Team ang inspeksyon sa proyektong "Purchase of One (1) Unit Garbage Truck for Waste Collection of Municipality of Balagtas" na nagkakahalaga ng Php 1,800,000.00. Ito ay pinondohan sa ilalim ng F.Y. 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF).

HULYO 17, 2024 | Pinangunahan ni Gob. Daniel Fernando ang isinagawang panlalawigang re-oryentasyon at konsultasyon ukol sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) sa mga 168 barangays na nananatiling apektado ng ilegal na droga, ngayong araw, ika-17 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, at sa pakikipagtulungan sa DILG at Liga ng mga Barangay (LnB) ay nagsagawa ng isang pagsasanay ngayong araw, ika-16 ng Hulyo, 2024 ukol sa proseso ng dokumentasyon ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) at ang pagpapalakas ng kapasidad ng mga lupon sa paghawak ng mga kaso na nakapaloob sa Katarungang Pambarangay (KP).

Ngayong araw ay isinigawa ng DILG Bulacan LFP Team ang isang pagsusuri sa proyektong, "Purchase of Vehicle - Ambulance" sa ilalim ng F.Y. 2023 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) na may kabuuang pondo na Php. 2,500,000.00 milyong piso sa bayan ng Calumpit.

Ika-13 ng Hulyo, 2024, opisyal na pinasinayaan ang 22 Solar street lights na magbibigay liwanag sa mga kalsada ng Barangay San Jose Patag hanggang sa Riverbanks sa Bayan ng Santa Maria. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video