TSLogo

 

 

facebook page

 

Lungsod ng Malolos, Bulacan | Mas pinaigting ng DILG Bulacan ang paghahanda nito para sa huling sangkapat ng 2025 sa pamamagitan ng matagumpay na pagdaraos ng Ika-9 na DILG Konek: The Provincial Team Conference ngayong araw ika-29 ng Setyembre 2025, sa Tanggapan ng DILG Bulacan, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, Lungsod ng Malolos. Dinaluhan ito ng lahat ng kawani ng Kagawaran sa lalawigan.

Sa pagtitipon, tinutukan ang mga pangunahing programa at pagtatasa tulad ng Peace and Order Council (POC) at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) audits, mga regular na ulat tulad ng Barangay Road Clearing Operations (BaRCO), at ang estado ng mga locally funded projects sa Bulacan. Gayundin, tinalakay ang mga nalalapit na aktibidad para sa buwan Oktubre bilang bahagi ng masinsinang paghahanda sa huling tatlong buwan ng 2025.

Sa kabilang dako, naibida rin sa talakayan ang resulta ng Barangay Environmental Compliance Audit (BECA), kung saan mula sa 408 passers noong 2024 ay umakyat ito sa 551 passers ngayong 2025. Ang pagtaas na ito ng BECA passers sa lalawigan ay patunay ng masigasig na pagpapatupad ng DILG Bulacan ng mga polisiyang may kaugnayan sa kalikasan kasama na ang mga green initiatives ng opisina.

Samantala, sa kanyang mensahe ipinaalala ni Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia ang kahalagahan ng digital archiving sa mga lokal na pamahalaan, ang masusing pagsunod sa mga ulat na hinihingi ng batas, at kahandaan ng mga lokal na pamahalaan sa mga sakuna sa ilalim ng LISTO Program. Kanyang binigyang-diin din ang kahalagahan ng masinop na paggamit ng pondo sa mga lokal na pamahalaan, at ang mas aktibong suporta ng mga kawani ng DILG sa bawat bayan at lungsod ng lalawigan upang matiyak ang isang produktibo at matagumpay na pagtatapos ng taon para sa lalawigan ng Bulacan.
Sa pagtatapos, hinikayat niya ang lahat ng kawani ng DILG Bulacan na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon at palakasin pa ang pakikiisa sa mga lokal na pamahalaan, at higit sa lahat ay manatiling matino, mahusay, maaasahan, at may malasakit sa bayan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video