TINGNAN | Matagumpay na nagbahagi ng teknikal na gabay ang DILG Bulacan sa Bayan ng San Rafael ngayong araw, ika-23 ng Setyembre ng kasalukuyang taon, ukol sa mga programa, proyekto at aktibidad ng Departamento kaugnay ng Manila Bay Clean-Up and Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP).
Kabilang sa mga tinalakay sa aktibidad ay ang mga programang Manila Bay Weekly Clean-Up, Kalinisan, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), Manila Bay Data Capture Form (MBDCF), Local Government Unit Compliance Audit (LGUCA), at Brangay Environmental Compliance Audit (BECA).
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa ilalim ng inisyatibong Manila Bay - Banyuhay ng Inobasyon at Nilinang na Husay para sa Inang Kalikasan (BINHI) na naglalayong pataasin ang kaalaman at mas palakasin ang kapasidad ng mga pamahalaang lokal sa kanilang pagtalima at pagganap ng tungkulin ukol sa maayos na pangangalaga ng kapaligiran, partikular na sa mga daluyan ng tubig at baybayin ng Manila Bay.