Setyembre 20, 2025 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Clean-Up Drive, aktibong lumahok ang mga kawani ng DILG Bulacan, sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, sa isinagawang 3rd Quarter Manila Bay Clean-Up kasama ang mga opisyal ng bayan ng Guiguinto sa pangunguna ni Mayor Ambrosio “Boy” Cruz.
Napili ang Brgy. Malis bilang Kalinisan Regional Showcase para sa 3rd Quarter ng 2025. Pinangunahan ni PB Albert Estrella kasama ang mga nasa 200 na opisyal at mamamayan ng Malis sa paglilinis ng kalsada at mga estero. Bukod pa rito, nagsagawa rin ng dalawang daang (200) bokashi balls throwing sa ilang water points na makatutulong sa paglinis ng katubigan sa pamamagitan ng epektibong pag-alis ng bakterya sa tubig at maiwasan ang masamang amoy sa mga waterways ng barangay.
Layunin ng aktibidad na ito na patuloy na hikayatin ng Kagawaran ang malawakang partisipasyon ng bawat komunidad, at mapataas ang antas ng pakikiisa at pakikilahok ng mga mamamayan. Sa pamamagitan nito, higit na mapapalakas ang diwa ng bayanihan, at maisulong ang disiplina lalo na sa wastong pagtatapon ng basura. Patuloy na hinihikayat ng DILG ang bawat mamayan sa paglilinis lalo na sa mga ilog, estero at maging ang tamang pangangasiwa ng basura upang mapangalagaan ang ating kapaligiran dahil ito ang pinakamahalagang pamana na ating maibibigay para sa mga susunod na henerasyon.