TSLogo

 

 

facebook page

 

Marso 3, 2025 | Bilang pakikiisa para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, nagsawa ngayong unang Lunes ng Marso ang DILG Bulacan ng isang ng zumba activity na nilahukan ng mga kawani mula sa Panlalawigang Tanggapan at mga Pook na Tagapagpakilos ng mga Pamahalaang Lokal (C/MLGOOs).

Sa nasabing aktibidad ay nagbahagi ang Pinuno ng Kumpol ng Pangkat, LGOO VII Lydia Baltazar, isang GAD Resource Pool Member ng Philippine Commission on Women (PCW) ng mga legal na batayan at kaalaman kaugnay ng nasabing pagdiriwang. Ito ay sinundan ng sabayang pagsayaw ng mga kawani, na nagsilbing sentro ng aktibidad na naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng kalusugan at pisikal na kalakasan, kasabay ng pagkilala sa kahalagahan, talento at lakas ng mga kababaihan sa Departamento at higit sa lahat ay sa ating lipunan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video