Ngayon, Nobyembre 6, 2024, nagtipon-tipon ang kalihim ng mga barangay mula sa Lalawigan ng Bulacan upang makiisa sa makabuluhang aktibidad na bahagi ng Component 3: Sharpening the Saw of BNEO-GREAT Barangays Program, isang inisyatibang pinangunahan ng DILG Bulacan. Ang programang ito ay naglalayong mas palakasin ang kapasidad at kaalaman ng mga kalihim ng barangay upang mas mapataas ang kanilang kakayahan sa tungkuling kanilang ginagampanan bilang mga kalihim.
Ang aktibidad na ito ay isinakatuparan ng Departamento upang mabigyan ng oportunidad ang mga kalihim kaugnay ng kanilang mas pinaagang paghahanda para sa mga isasagawang pagtatasa sa susunod na taon. Kasabay nito ay nagbahagi rin sila ng kanilang mga karanasan at ideya ukol sa mga hamon at solusyon sa kanilang mga ginagampanang tungkulin.
Kabilang sa mga dumalo at nagbigay suporta sa aktibidad ay si Punong Lalawigan, Gob. Daniel R. Fernando, kasama ang Pangalawang Punong Lalawigan, Bise-Gob. Alexis C. Castro at ang Pangulo ng Liga ng mga Barangay - Bulacan Chapter, Bokal Fortunato Angeles.