TSLogo

 

 

facebook page

 

Pinulong ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan ng Bulacan ang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Provincial Audit Team ng lalawigan upang suriin ang kanilang ADAC. Ang aktibidad ay ginanap sa Opisina ng Panlalawigang Patnugot ng DILG Bulacan noong ika-11 ng Agosto, 2021.

 

Nilalayon ng aktibidad na masusing masuri ang functionality ng ADAC sa lalawigan at kung gaano ka-epektibo ito base sa kanilang mga issuances, mga nagawa, suporta mula sa mga ADAC sa lebel ng mga Component na Munisipyo at Barangays, mga isinagawang pagpupulong at mga inobasyon.

 

Nilahukan naman ang nasabing aktibidad ng mga kinatawan mula sa hanay ng Pampanbansang Pulisya ng Pilipinas at Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot. Lumahok din ang dalawang kinatawan mula sa Organisasyon ng Lipuning Sibil upang saksihan ang pagsusuri.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Log-in Form

 


Featured Video