Print 

TINGNAN | Opisyal nang magagamit ang bagong One (1) Unit Garbage Truck sa bayan ng Balagtas, matapos itong pormal na pasinayaan ngayong araw, ika-24 ng Marso, 2025. Ang proyektong ito ay insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagpasa sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2023, na nagkakahalaga ng 1,800,000 piso.

Ang nasabing pasinaya ay pinangunahan ni Mayor Eladio E. Gonzales, Jr., kasama si Vice Mayor Ariel Valderama, mga Konsehal ng Bayan, at mga pinuno ng departamento. Dumalo din sa nasabing aktibidad sina Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V, at Cluster Head LGOO Judith B. Romero.