Opisyal nang nanumpa ang mga bagong halal na Opisyal ng Lalawigan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alex C. Castro, kasama ang mga bokal ng pamahalaang panglalawigan, mga punong bayan, pangalawang punong bayan at mga konsehal ng 3 siyudad at 21 munsipyo ng lalawigan ng Bulacan.

Kasama din sa nanumpa sa katungkulan sa harap ni Executive Judge, Olivia V. Escubio Samar, ang mga mambabatas ng mababang kapulungan ng 6 na Distrito ng Bulacan.

 


Featured Video