TSLogo

 

 

facebook page

 

Noong Nobyembre 17, 2023, binigyang pagkilala at pagpupugay ng DILG Bulacan ang lahat ng mga natatanging barangay sa buong lalawigan ng Bulacan.

Sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabi, CESO V, pinarangalan ang mga natatanging barangay sa iba’t-ibang pagtatasa ng Kagawaran, na kinabibilangan ng Barangay Environmental Compliance Audit (BECA), Lupong Tagapamaya Incentives and Award (LTIA), Barangay Drug Abuse Council (BADAC) Audit, Drug-cleared barangays, at Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB).


Pinarangalan din ang mga barangay na may mahuhusay na kasanayan at nagkamit ng mataas na pagkilala sa mga panrehiyong pagtatasa ng Kagawaran.
Binigyang pagkilala din ang lahat ng Punong Barangay na naglingkod ng tatlong termino.


Ang aktibidad ay dinaluhan nila Pangalawang Punong Lalawigan Alexis C. Castro, Pinuno ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan Ramilito B. Capistrano, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia B. Constantino, iba’t-ibang mga opisyal sa lalawigan at lahat ng nakaraan at bagong mga opisyal sa 572 barangays sa buong lalawigan.

 


Featured Video