Ngayong araw matagumpay na inilunsad ang Musika ng Kababaihan Fridays o #MNKFridays sa DILG Bulacan, isang inisyatibang itinugma sa isa sa mga programang pinanukala ng Philippine Commission on Women (PCW) na naglalayong ipagdiwang ang mga kababaihan sa pamamagitan ng musika.
Marso 13, 2025 | Personal na nag-abot ng pakikiramay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro, kasama sina DILG Bulacan PD Myrvi Apostol-Fabia at PNP Bulacan PD PCOL Satur L Ediong sa naulilang pamilya ng dalawang nasawing bayaning pulis na sina PSSG. Dennis G Cudiamat at PSSG. Gian George N Dela Cruz. Kasabay nito ay ipinagkaloob rin ang Posthumous Service Awards at Resolusyon ng PPOC na kumikilala sa kanilang kabayanihan sa ngalan ng pagtupad ng kanilang tungkulin.
TINGNAN | Alinsunod sa pambansang layunin na patuloy na palakasin ang kahandaan ng bawat komunidad laban sa mga iba’t-ibang uri ng sakuna katulad ng lindol, aktibong nakilahok ngayong araw, ika-13 ng Marso, 2025 ang DILG Bulacan para sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).