- Details
- Written by DILG Bulacan
- Category: Uncategorised
- Hits: 2275
Sa pagpapatuloy nang pagpapalakas ng kakayahan ng mga kawani ng DILG, ginanap ngayong araw, ika-22 ng Abril, 2024, ang “Technical and Administrative Knowledge Enhancement and Sharing (TAKES),” na bahagi ng pasilidad ng ALAGWA sub-LGRRC na “Lakas” ng DILG Bulacan.
Sentro ng talakayan ang ilang mga frontline services na may mga patakarang itinakda ng Quality Management System (QMS) ng Kagawaran. Ito ay hindi lamang paghahanda para sa mga pagtatasa sa hinaharap, ito ay upang magkaroon din ng kasanayan ang lahat ng kawani sa pagganap sa mga serbisyo ng tanggapan.
Nagkaroon din ng pagkakataon na malinang ang bawat kawani ukol sa “Technical Writing” at paghahanda ng mga komunikasyon at korespondensiya gamit ang wikang Filipino.
Sa kanyang mensahe, binigyang-pansin ni PD Myrvi Fabia ang kahalagahan ng kahandaan ng Panlalawigang Tanggapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga serbisyo ng Kagawaran para sa mga pamahalaang lokal.
Ang aktibidad na T.A.K.E.S ay isang paraan ng tanggapan na ginaganap minsan isang buwan upang matiyak na nagagampanan ng mahusay ang mga trabaho at tungkulin sa tanggapan.