TSLogo

 

 

facebook page

 

Mga Barangay, Binigyan ng Pagkilala sa Gawad Galing Barangay (GGB) 2025

Ginanap nitong ika-18 ng Nobyembre, 2025 ang pagbigay ng pagkilala sa mga natatanging barangay ng Bulacan sa isinagawang Gawad Galing Barangay (GGB) 2025. Panauhing Pandangal si DILG RD Araceli A. San Jose, CESO III, bilang kinatawan ni Undersecretary Marlo L. Iringan.

 

Binigyang pagkilala sa GGB ang mga natatanging opisyal ng mga Barangay na nagpamalas ng husay at dedikasyon sa pagganap ng kanilang tungkulin:

Natatanging Punong Barangay: Esperanza S. Garcia - Bulihan, Plaridel

Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon: Juanita O. Delos Reyes - Camalig, City of Meycauayan

Natatanging Mother Leader: Riza S. Espiritu - San Roque, Angat

Natatanging Barangay Health Worksee: Maricel D. Alejandro - Banaban, Angat

Natatanging Barangay Training Employment Coordinator: Shynie D. Delos Santos - San Vicente, Sta. Maria

Natatanging Barangay Tanod: Roderick B. Cruz - Bigte, Norzagaray

Volunteer Group: Kabalikat Civicom Association Incorporated-Santa Maria Chapter (Pulong Buhangin, Sta. Maria)

Natatanging Ingat-Yaman: Joselito C. Cruz - Tabon, Pulilan

Natatanging Kalihim: Jessie P. Gata - Balatong-A, Pulilan

Natatanging Kagawad: Maria Delos Reyes - Lias, Marilao

Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng mahusay na pamamahalang ipinapamalas ng ating mga lingkod-bayan — mga indibidwal na buong puso at walang pagod na naglilingkod sa mga mamamayang Bulakenyo upang matiyak na ang bawat programa, serbisyong pangkomunidad, at inisyatiba at naiaabot sa bawat komunidad.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video