TSLogo

 

 

facebook page

 

Pinangunahan nina Gob. Daniel Fernando at PD Myrvi Fabia ang pagsasagawa ng SALINLAKAS: Panlalawigang Talakayan sa Kalinisan, Kaligtasan, at Kapayapaan na dinaluhan ng lahat ng mga Punong Barangay ng buong Lalawigan nitong ika-6 ng Nobyembre, 2025.

 

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga Barangay sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng ligtas, disiplinado, at malinis na pamayanan bilang tagapagtaguyod ng mga programa ng Kagawaran bilang unang hanay ng tagapagtugon sa mga suliranin sa kanilang mga komunidad.

Kabilang sa mga pinag-usapan at tinalakay ay ang paghahanda sa mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol, gayundin ang pagsugpo sa illegal na droga at pagtaas ng antas ng drug cleared barangays sa lalawigan. Binigyan diin sa talakayan ang gampanin ng mga Punong Barangay sa kaligtasan sa mga lansangan sa pamamagitan ng road clearing, maging ang pagpapalakas ng partisipasyon ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga mamamayan sa isinasagawang linguhang paglilinis or clean up drive.

Pangunahing tampok sa aktibidad ang malayang talakayan at open forum ng mga Punong Barangay kay Gob. Fernando. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gob. Fernando ang kahalagahan ng road clearing operations bilang pundasyon ng kaligtasan sa lansangan at maayos na daloy ng trapiko. Kabilang din sa kanyang mensahe ang panawagan na paigtingin pa ang mga inisyatibo sa peace and order, drug clearing, at environmental protection upang makamit ang malinis, ligtas, at payapang lalawigan ng Bulacan.

Dumalo din sa naturang aktibidad sina Bise Gob. Alex Castro, LnB President Fortunato Angeles, Provincial Administrator Antonette Constantino, mga Hepe ng Kapulisan ng iba’t-ibang bayan, mga kawani ng PDEA, at mga C/MLGOOs ng Departamento.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video