TSLogo

 

 

facebook page

 

Kabalikat sa Pagbabago: Ika-2 Semestreng Pagpupulong ng Barangay, Para sa Mas Matatag na Komunidad!

Matagumpay na naisagawa ng mga Barangay sa Lalawigan ng Bulacan ang Barangay Assembly Day 2nd Semester – CY 2025 na may temang “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly!” sa mga araw ng Sabado at Linggo ngayong buwan ng Oktubre, 2025.

Kasabay nito, itinampok din bilang Provincial Showcase ng Barangay Assembly ang Brgy. Bigte, Norzagaray noong ika-18 ng Oktubre, na dinaluhan ng 700 katao, kabilang ang mga kawani ng DILG Bulacan.

Ayon sa Local Government Code, ang Barangay Assembly Day ay isang kaganapan upang talakayin o mapag-usapan ang semestral na ulat ng Sangguniang Barangay tungkol sa mga aktibidad o gawain, sitwasyon ng pananalapi, at mga isyung nakakaapekto sa barangay.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE
Untitled-2.png

 


Featured Video