TSLogo

 

 

facebook page

 

Sa pangunguna ni Panlalawigang Patnugot Myrvi Apostol-Fabia, matagumpay na idinaos ngayong araw ang ika-8 DILG KONEK: Ang Panlalawigang Kumperensya sa Lungsod ng Baliwag.

Ang aktibidad ay dinaluhan ni Punong Lungsod Ferdie Estrella kung saan ay kaniyang ipinahayag ang mainit na pagbati sa mga kawani ng Departamento, at kaniya ring ibinahagi ang mga inisyatibo at mga best practices ng lungsod.


Bukod sa mga nakasanayang pagtalakay sa mga ulat kaugnay ng mga programa at proyekto ng Kagawaran, nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga Pook na Tagapagpakilos upang isa-isang talakayin at mabigyang kasagutan ang kanilang mga katanungan at concerns kaugnay ng kasalukuyang estado ng mga lungsod at bayan ng lalawigan.

Sa huli ay tinukoy sa nasabing kumperensya ang mga susunod na hakbanging isasagawa ng tanggapan upang mas pagbutihin pa ang paghatid ng serbisyong publiko para sa mga bulakenyo.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video