Ika-17 ng Abril, 2023 - Bilang bahagi ng pagpapalakas ng Information, Education and Communication (IEC) Campaign sa ilalim ng ALAGWA Bulacan, ang Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni PD Myrvi Apostol-Fabia, CESO V ay lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU), kasama ang Pamahalaang Panlungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad na naglalayong patatagin ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang opisina.

Ang MOU ay magbibigay daan sa pagbibigay sa DILG ng regular na araw ng pag-ere sa Malolos City's "The Roving Radio Bus". Ang nasabing roving radio station ay malaki ang maitutulong para sa mabilis at mas malawak na pagpaparating ng mga programa ng DILG at ng pamahalaan nasyunal.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

Untitled-2.png

 

 


Featured Video