DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, katuwang ang DILG Bataan kahapon, Agosto 11, 2025 ang Civil Society Organization (CSO) Conference na dinaluhan ng humigit-kumulang tatlumpung kinatawan mula sa iba’t ibang pangsibikang organisasyon.

1674.jpg

Tinalakay dito ni DILG Bataan PD Belina T. Herman, CESO V, ang mahahalagang kaalaman hinggil sa "participatory governance" at ang Memorandum Serkular Blg. 2025-060 patungkol sa akreditasyon at pagpili ng kinatawan ng mga CSOs sa local special bodies. Kaugnay din nito, pinagtibay ang ugnayan ng pamahalaan at mga mamamayan tungo sa mas bukas, inklusibo, at makataong pamamahala.

1680.jpg

Isa rin sa mga tampok na bahagi ng aktibidad ang presentasyon ni Architect Mc Jefferson Valerio, OIC-Provincial Planning and Development Coordinator, kung saan kaniyang ibinahagi ang CSO timeline at roadmap.

1678.jpg

1676.jpg

Binigyang-daan din ang isang "open forum" kung saan malayang naipahayag ng mga kinatawan mula sa iba't ibang CSOs ang kanilang mga katanungan, mungkahi, at saloobin. Ang aktibong talakayan ay nagsilbing pagkakataon upang mas mapalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa proseso ng akreditasyon at mapagtibay ang tiwala sa mekanismo ng lokal na pamahalaan.

1675.jpg

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Kgg. Ma. Cristina Garcia, Pangalawang Punong Lalawigan ng Bataan, at mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan.

1679.jpg

1681.jpg

Bilang pangwakas, nagbigay ng mensahe si Atty. Mark Lorenz Quezon, Kalihim para sa Sangguniang Panlalawigan, at binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga CSOs sa paghubog ng mga polisiya at programa ng pamahalaan. Hinikayat niya ang lahat na manatiling aktibo, mapagmatyag, at bukas sa pakikipagtulungan para sa mas maunlad at makamasang Bataan.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3