DOST PAGASA WEATHER

DILG Feeds

Like us on Facebook
 

TSLogo

 

BATAAN LOCAL OFFICIALS MASTERLIST 
 Local Chief Executives (2019-2021)
 Sanggunian Members (2019-2021)
 Barangay Officials (2018-2020)


 

 

 

 

Sa layuning patuloy na mapangalagaan ang kalinisan ng kapaligiran at maisulong ang responsableng pamamahala ng basura, isinagawa ng DILG Bataan ang isang birtwal na oryentasyon kaugnay ng 2025 Barangay Environmental Compliance Audit (BECA). Ang aktibidad ay isinagawa noong Agosto 4, 2025 sa pamamagitan ng Zoom, na bahagi ng pagpapatupad ng direktiba ng Korte Suprema na ibalik ang sigla ng Manila Bay.

1633.jpg

1636.jpg

Mainit na tinalakay sa oryentasyon ang mga bagong pamantayan ng BECA, kabilang ang pagtutok sa mga barangay community gardens bilang dagdag na batayan sa pagsusuri. Pinangunahan nina PD Belina T. Herman, CESO V, at CTL Cristy Blanco ang pagbabahagi ng mga gabay, kasama ang DILG Manila Bay Team na sina ADA VI Joseph Castro at ADA IV Rhejean Calbone, na nagsilbing tagapagsalita at tagapadaloy ng programa.

1632.jpg

1634.jpg

1635.jpg

Aktibong lumahok sa programa ang mga Punong Barangay, Kalihim, at Chairperson on Environment mula sa 237 barangays ng Bataan. Ang kanilang pakikiisa ay patunay ng matibay na suporta ng mga barangay sa layunin ng pamahalaan na makamit ang mas malinis, luntian, at ligtas na komunidad para sa bawat Bataeño.

PROVINCIAL DIRECTOR'S MESSAGE

PD Yen3