
DINALUNGAN, AURORA – Isang makabagong proyekto ang nagbabadya ng pag-asa para sa mga residente ng Dinalungan: ang ₱13-milyong solar-powered water system na kasalukuyang nasa huling yugto ng konstruksyon. Noong ika-20 ng Agosto ay nagsagawa rito ng pre-final inspection ang DILG Provincial Project Monitoring Team (PPMT) kasama ang LGU Inspectorate Team sa pangunguna ni Kgg. Punong Bayan Arvee A. Vargas. Ang proyekto ay napondohan sa ilalim ng FY 2024 Support and Assistance Fund for Participatory Budgeting (SAFPB).
Pinangunahan nina Engr. Rosanna C. Hernandez at Engr. Kenny Jean N. Iniwan ang pagsusuri sa proyekto kasama ang LGU inspectorate team. Sinuri ng grupo ang aktwal na kalagayan ng proyekto at natukoy na ito ay hindi pa rin kumpleto kahit umabot na sa itinakdang petsa ng kontrata. Inabisuhan ang LGU na magsumite ng Statement of Work Accomplished (SWA) batay sa petsa ng pagtatapos ng kontrata at magpatupad ng liquidated damages alinsunod sa mga probisyon nito.

Napansin din sa inspeksyon ang mga hindi pagkakatugma ng lalim ng hinukay na pipeline trench at mga ginamit na fill/backfill materials sa naaprubahang plano. Muling pinaalalahanan ng PPMT ang LGU na magsumite ng naaprubahang as-built plan na sumasalamin sa mga pagbabagong ito at tiyakin ang pagsunod sa pambansang pamantayan at espesipikasyon. Sa isinagawang exit conference, nangako ang LGU na tutugon sa lahat ng obserbasyon at magsusumite ng kulang na dokumento bago o sa Setyembre 9, 2025.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng DILG Aurora sa pagsusulong ng transparency, accountability, at kalidad sa pagpapatupad ng mga proyektong pinopondohan ng gobyerno para sa mas maayos na serbisyo sa bawat mamamayan.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Project: Expansion of Level III Water Supply System
Location: Brgy. Simbahan, Dinalungan
National Subsidy: Php 13,333,333.00
Fund Source: FY 2024 LGSF-SAFPB
Project Description: This project consists of well development, pumps Installation and accessories, laying of main distribution pipes, construction of elevated reservoir, construction of pumphouse with solar power system for its operation to address climate change solution which now is the priority of our municipality in terms of energy producing is concern.
Beneficiaries: 4104
Beneficiary Type: Residents of Barangay Simbahan
LEARN MORE: About DILG Programs for LGSF SUPPORT AND ASSISTANCE FUND TO PARTICIPATORY BUDGETING (LGSF-SAFPB)
#LGSF #SAFPB #AboveAndBeyond #MatinoMahusayAtMaaasahan