3

Maria Aurora, Aurora – Agosto 7, 2025 – Pinangunahan ng tanggapan ng DILG Aurora Provincial Project Monitoring Team (PPMT), sa pakikipagtulungan ng Local Project Monitoring Committee (LPMC) ng Bayan ng Maria Aurora, ang komprehensibong inspeksyon at dokumentasyon ng bagong bili na rescue vehicle. Ito ay pinondohan sa pamamagitan ng pinagsamang pondo mula sa FY 2024 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) na nagkakahalaga ng PHP 1,153,000.00, at ng lokal na pamahalaan na naglaan ng dagdag na PHP 346,200.00, na may kaubuang halaga na PHP 1,499,200.00.

Pinangunahan ang inspeksyon ni LGOO VI Mary Joyce T. Bautista, Municipal Local Government Operations Officer ng Maria Aurora, kasama sina Engr. III Rosanna C. Hernandez at Engr. II Kenny Jean N. Iniwan. Nakibahagi rin ang LPMC ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan mula sa mga Civil Society Organizations (CSOs), para masiguroing multi‑sektoral at tapat ang proseso ng pagpapatupad ng proyekto.

2

Layunin ng bagong rescue vehicle na palakasin ang kahandaan at tugon sa mga emergency—lalo na sa malalayong barangay—sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyo ng nasabing sasakyan, mga inisyatibang pang‑panlipunang kapakanan (social welfare), at paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan sa mga liblib na lugar.

4

Ang matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito ay patunay ng kahusayan ng SGLGIF sa pagtulong sa mga lokal na pamahalaan upang lalong mapagbuti ang serbisyong kanilang binibigay sa publiko. Kasabay nito, muling pinatitibay ng LGU ng Maria Aurora ang kanilang  adhikain para sa isang handa at mapanagutang pamumuno.

 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Project: Purchase of Rescue Vehicle

Location: Maria Aurora, Aurora

National Subsidy: Php 1,153,000.00

Fund Source: FY 2023 SGLGIF

Project Description:

The proposed project-Purchase of Rescue Vehicle is a procurement and delivery of one (1) unit Rescue Vehicle with the following specifications: Engine: 4-cylinder, Euro IV Displacement: 2393 cc Power: 150/3400 ps/rpm, 343/1400-2800 Nm/Rpm Fuel Type: 5 speed Manual Transmission The project goal and objectives is to improve emergency service in timely manner, and to ensure the availability of the rescue vehicle , equipment and manpower during the emergencies and disasters.

Type: Non-Infrastructure

Sub-type: Motor Vehicle

Category: Disaster Preparedness

Beneficiaries: 3906

Beneficiary Type: Farmers and Residents of Maria Aurora near Pantabangan-Basal-Canili Maria Road

Mode of Implementation: By Contract

 

LEARN MORE: About DILG Programs for SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE INCENTIVE FUND (SGLGIF)

#SGLG #SGLGIF #AboveAndBeyond #MatinoMahusayAtMaaasahan

 Provincial Director's Message